Napakaliit man o napakalaki, moderno o kontemporaryo, kailangan ng bawat kusina ang parapernalya na maglalabas ng pinakamagaganda sa mesa pagdating sa karangyaan, estilo, pagganap at kaginhawaan! Sa pagkakaroon ng takip na hindi natatalamsikan na may panloob na patong ng stainless na bakal, isang kontra-dulas na pundasyon at mga kulay na nakapagpapaliwanag ng iyong silid-kainan, ang Vaya Hautecase ay isang napakahusay na lalagyan at mangkok sa paghahain! Nasa dalawang maginhawang sukat ito, 1500ml at 1100ml at tatlong matitingkad na kulay na aakma sa mga kagamitan sa paghahain ng pagkain sa inyong hapag kainan!
Paghahaing Kaserola - Para sa mga pagkaing ginawa nang may pagmamahal!
Nailalabas ng pagkain ang pinakamagagandang katangian mula sa maraming tao! Hindi lang ito nagbibigay ng pagkakataon para makiugnay sa katangiang bata na nasasaiyo, ngunit may kakayahang lumikha ng mga minimithing alaala. Mga masasayang alaala na nauugnay sa pagkaing pinagsaluhan ay hindi lamang buong tamis, ngunit masidhi rin - mga panahon ng pagkabata na iginugol kasama ng iyong lolo't lola habang kinakain ang simpleng pagkaing niluto na may pagmamahal sa isang stainless na kaserolang bakal, ang unang pagkaing pinagbahagian niyo ng iyong pinakamatalik na kaibigan sa eskuwelahan, ang hapunan na iyong minadaling lutuin para sa mahalagang taong yon sa iyong buhay, ang mga kaserolang pagkain na iyong pinagkasayahan kasama ang mga kaibigan na higit para sa pagsasama kaysa sa sarap ng pagkain! Mga alaalang babalik at babalik sa 'yo na makapagtatanto kung gaano ka naging malapit sa mga paborito mong tao sa pamamagitan ng pagsasalo-salo sa mainit na pagkain!
Sinigang, adobo, kaldereta o pinakbet, mga recipe mo na naglakbay na sa panahon ay nangangailangan ng isang mangkok sa paghahain na magbibigay katarungan sa nakamamanghang bango, malulutong na lasa at kaaya-ayang pagkakagawa na nasasaloob nito! Mga platong pinaghainan na mag-iiwan ng sarap sa iyong panlasa ay hindi lamang nangangailangan ng isang ordinaryong mangkok na paghahainan, ngunit ang Hautecase ay may higit na maibibigay pa!
May dobleng kapal, ang Hautecase ay tamang-tama para sa pagtatabi at paghahain ng iyong mainit na adobo, maasim-asim na sinigang at lahat ng iyong pinakamasasarap na recipe sa mundo. Gamit ang VacuTherm technology, ang Hautecase ay kayang panatilihing mainit o malamit ang iyong pagkain sa loob ng 3-5 oras - ibig sabihin ay hindi mo na kailangan pang initin itong muli, i-microwave o ilagay sa repridyereytor! Available ito sa Seybol Blak, Ayris Perpol at Klawd Grey, tatlong makapigil-hiningang kulay na magdadagdag ganda sa dekorasyon ng inyong lugar ng kainan!
Ang kaginhawaan ng iyong tahanan, ang mainit at masarap na pagkain sa mainit na kahon Hautecase, at ang kumpanya na palagi mong pinasasalamatan, may tatalo ba pa dyan?
Show less