Ang tradisyonal na Indian tiffin (mula sa kolonyal na tawag ng mga Ingles sa isang maliit na meryenda), ay isang baunan na gawa sa mga pinagpatong-patong na mga metal na lalagyan. Ito ang usong paraan ng pagdala ng masasarap na lutong-bahay na pagkain sa rehiyon nang higit 100 taon.
Sa makabagong ebolusyon nito, ang mga lalagyan ay gawa sa stainless steel, at pinanatili sa temperatura sa isang vacuum insulated case.
Habang sinusunod ang tradisyonal na pamamaraan na ito, ipinakikilala ng Vaya Tyffyn ang mga makabuluhang mga pagpapabuti: ginagamit nito ang pinakabagong teknolohiya, isang mahusay na sistema ng pamamahala ng temperatura, at sopistikadong estilo, upang itaguyod ang pinakamagagandang tradisyon ng mga Indiyano sa buong mundo.
Para mas madaling bitbitin, mayroong natitiklop na hawakan ang Tyffyn na naitatago sa loob ng takip.